top of page

AWA SA PAG-IBIG

  • Jose de la Cruz
  • Jan 12, 2016
  • 1 min read

Oh! Kaawa-awang buhay ko sa iba Mula at sapol ay gumiliw-giliw na, Nguni’t magpangayon ang wakas ay di pa Nagkamit ng tungkol pangalang ginhawa. Ano’t ang ganti mong pagbayad sa akin, Ang ako’y umasa’t panasa-nasain, At inilagak mong sabing nahabilin, Sa langit ang awa saka ko na hintin! Ang awa ng langit at awa mo naman Nagkakaisa na kaya kung sa bagay? Banta ko’y hindi rin; sa awa mong tunay, Iba ang sa langit na maibibigay. Ano ang ganti mo sa taglay kong hirap, Sa langit na hintin ang magiging habag? Napalungi namang patad yaring palad, Sa ibang suminta’t gumiliw ng tapat.

Link:http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Poems/poem-pity-in-love.html

 
 
 

Comments


Featured Review
Tag Cloud

POEM REVIEW

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Google+ Icon
bottom of page